MGA NATUTUNAN KO NA ARALIN SA FILIPINO 1


Mga Konseptong Pangwika

Aralin 1: Wika,komunikasyon at Wikang Pambansa

Depenisyon ng Wika

Ang WIKA ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra  na inuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.Ayon naman kay Henry Gleason (1988),ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.


Ngunit sa lingguwistikong paliwanag,tinatawag na wika ang sistema ng mga arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo,kodipikadong paraan ng pagsulat,at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon.Arbitaryo o nagbabago ang wika depende sa pook,panahon at kulturang kinabibilangan ng tao.



Daluyan ng Pagpapakahulugan

1.Ang lahat ng wika ay nagsisimula sa tunog.
2.Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan,guhur o hugis na kumakatawan sa isang maraming kahulugan.
3.Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tableta ng mga Sumerian,papyrus ng mga Eygptian, at ang paglitaw mg mga hieroglyph sa sinaunang Ehipto at ng alpabetong Phoenician,Griyego at Romano.
4.Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha,kumpss ng kamay at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5.Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwating ng isang ganap na kilos ng tao tulsd ng pag awit,pagtulong sa tumatawid sa daan,at iba pa.

Gamit ng Wika

1.Gamit sa Talastasan
2.Lumilinang ng pagkatuto
3.Saksi sa panlipunang pagkilos
4.Lalagyan o Imbakan
5.Tagapagsiwalat ng damdamin
6.Gamit sa imahinatibong pagsulat

Kategorya at Kaantasan ng Wika

1.PORMAL ang isang wika kung ito ang kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayaban,bansa, o isang lugar.
2.DI PORMAL na wika ang madalas gamitin sa pang araw araw na pakikipagtalastasan.May tatlo itong antas.
a. WIKANG PANLALAWIGAN, mga salitang diyalektal; ginagamit ito sa partikular na pook o lalawigan.;may pagkaka iba-iba sa tono at kahulugan sa ibang salita.
b.WIKANG BALBAL, ang katumbas ng slang sa Ingles.Ito ang mga nagbabago sa pag usad ng panahon.Madalas marinig ang mga salitang ito sa lansangan.
c.WIKANG KOLOKYAL,ang mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag usap.

KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay pagpapahayag,paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.Isa itong pakikipag-ugnayan,pakikipaglagayan o pakikipag unawaan.

ANTAS NG KOMUNIKASYON

1.INTRAPERSONAL
2.INTERPERSONAL
3.ORGANISASYONAL

ANG PANGKARANIWANG MODELO NG KOMUNIKASYON

TAGAPAGPADALA (Sender)
MENSAHE
TSANEL (channel)
TAGATANGGAP (receiver)
TUGON,PUNA,REAKSIYON (feedback)
INGAY

TATLONG URI NG KOMUNIKASYON

1.KOMUNIKASYONG PAGBIGKAS
2.KOMUNIKASYONG PASULAT
3.PAKIKIPAGTALASTASAN SA PAMAMAGITAN NG KOMPYUTER


ARALIN 2; Unang Wika,Bilingguwalismo at Multilingguwalismp sa Kontekstong Pilipino



WIKANG INGLES
-wikang dinala ng mga amerikano
-ipinapalaganap sa pampubliko at kalaunan sa pampribadong edukasyon simula noong 1901

UNANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG
-Tagalog 1
-Una itong pinangalanang wikanh pambansa noong 1935.

IKALAWANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG
-Tagalog 2
-ginawang pang akademikong asignatura noong 1940

UNANG YUGTO NG WIKANG PILIPINO
-Pilipino 1
-Tagalog ay pinalitan ng pangalang PILIPINO noong 1959

IKALAWANG YUGTO NG WIKANG PILIPINO
-Pilipino 2
-tinanggalan mg katayuan bilang wikang pambansa noong 1973

ANG UNANG WIKANG FILIPINO
-Filipino 1
-papalit sa wikang pilipino bilang wikang pambansa

ANG IKALAWANG WIKANG FILIPINO
-Filipino 2
-muling kinilala bilang wikang opisyal,pang akademiko at pambansa
-pinangalanang FILIPINO ng konstitusyon ng 1987

MONOLINGGUWALISMONG INGLES
- dahil ayaw ng mga Amerikaning ipagpatulou ang paggamit sa wikang Espanyol; dahil wala silang makitang iisang katutubong wika na maari nilang gamitin sa kanilang ipinalaganap na pampublikong edukasyon.

UNANG BILINGGUWALISMO
-inutos ni JORGE BOCOBO na maaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary ng wikang panturo

IKALAWANG BILINGGUWALISMO

-inilabas noong 1970, na tanging wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang akademiko.

UNANG MULTILINGGUWALISMO
-punalit sa ikalawang bilingguwalismo na umiral lamang nang tatlong taon.

IKATLONG BILINGGUWALISMO
-pumalit sa unang multilingguwalismo na umiral lamang nang isang taon.

IKALAWANG MULTILINGGUWALISMO
-ipinatupad noong panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino
-pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala mula ang halaga ng mga unang wika

IKATLONG MULTILINGGWALISMO
-ang kasalukuyang pambansang patakarang pangwika na ipinatupad noong 2009 at nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa multilingguwalismo

ARALIN 3; Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika

LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAS

Mga salik ng lingguwistikong komunidad

1.May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba.
2.Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika ay interpretasyon nito
3.May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.

LINGGUWISTIKONG KOMUNINDAD ay umiiral lamang sa sektor,grupo,yunit na ngkakaunawaan sa iisang gamit nila ng wika.

Halimbawa:

Sektor
Grupong Pornal
Grupong Impormal
Yunit

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD


Sa multikultural na komunidad,multilingguwal ang mga kasapi nito.Naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.
Halimbawa:

Internasyonal
Rehiyonal
Pambansa
Organisasyonal

SOSYOLEK,IDYOLEK,DIYALEKTO AT REHISTRO
SOSYOLEK, uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkay o uring panlipunan.
IDYOLEK, ang natatangit espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
DIYALEKTO,pangunahing wika na nagbabago,nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.
REHISTRO, naukol sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon


ARALIN 4: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA AT ANG FILIPINO BILANG WIKANG GLOBAL

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga katutubong pilipino noong sinaunang panahon.
Sa panahon ng kolonyalismong Espanyol,nagkaroon ng pagtatakda ng ilang batas kaugnay ng paggamit ng wikang Kastila partikular sa mga paaralan ng pamayanang Indio gaya mg ipinag utos ni Carlos IV noong 1792.Nagsimula ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga amerikano sa panumuno ni Almirante Dewey.Ginagamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng pampublikong paaralan at pamumuhay na demokratiko.Sa kapangyarihan ng Batas Blg. 74 ng komisyong pampilipinas noong 1901,ipinag utos ma gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralang bayan na itatatag.Ang mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites.
Sa panahon ng pamahalaang komonwelt noong 1935,nagkaroon ng pagsusulong para sa isang probisyong pangwika ma magtatakda ng kikilalaning wikang pambansa.Sa panamagitan ng Saligang Batas 1935,Artikulp XIV,Seksiyon 3, ang pambansang asembley ay naatasang gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng lahat mg wikang pambansa salig sa isa sa mga wikang katutubo.

YUNIT II

ARALIN 1: BILANG INSTRUMENTO

WIKA BILANG INSTRUMENTO NG IBAT IBANG LAYUNIN AT PAGKAKATAON

INSTRUMENTAL KAPAG;

1.pagpapahayag mg damdamin kaugnay sa pasasalamat,pag ibig,galit,kalungkutan,pagpapatawad,sigla,pag asa, at marami pang iba
2.paghihikayay upang gawon ng kausap ang nais na tupdin o mangyari
3.direktang pag uutos o
4.pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki pakinabang

WIKA ANG DALUYAN NG SALOOBIN AT PAGKATAO

PROSPERO COVAR- nagsabing magka ugnay ang loob,labas,at ilalim ng atong pagkatao.Inihambong niya ang kaakuhang Pilipino sa isang banga.

Mas nagiging awtentiko ang komunikasyon kung nakikita natin nang harap harapan o kausap nang personal ang ating katuon.Makikita natin sa kilos o galaw ng katawan,tono mg boses, at ekspresyon ng mukha ang balidasyon kung sinsero o hindi ang ating kausap.

WIKA NG PANGHIHIKAYAT AT PAGGANAP

BIGKAS PAGGANAP- hango sa teorya ni John L. Austin.Sa kaniyang teorya (1962) nahahati sa tatlong kategorya ang bigkas tungong-pagganap:

1. Lokusyunaryo.Literal  na kahulugan ng pahayag.

2.Ilokusyunaryo.Kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.

3.Perlokusyunaryo.Ang ginawa o nangyari matalos mapakinggan o matanggap ang mensahe


ARALIN 2: REGULATORYO

Ang REGULATORYONG bisa ng wika ay nagtatakda,nag uutos,nagbibigay direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyong nabanggit.

Ang wika ay Regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:
1.Batas o kautusan na nakasulat,nakikita,nakalimbag, o inuutos nang pasalita
2.Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan obatas
3.Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4.Konteksto na nagbibigay bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon,panahon, at taong sinasaklawan ng batas.

Tatlo ang klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito

1.BERBAL, ang tawag sa lahat ng kautusan,batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.
2.NASUSULAT,NAKALIMBAG AT BISWAL, ang lahat ng kautusan,batas, o tuntunin na mababasa,mapapanood, o makikita na ipinatutupas ng nasa kapangyarihan.
3.DI NASUSULAT NA TRADISYON, ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan,batas o tuntuning sinusunod ng lahat.

Gamit ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito

1.Pagpapatupad ng batas
2.Pagpapataw ng parusa
3.Partisipasyon ng mamamayan
4.Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan
5.Pagtatakda ng polisya,batas at kautusan


Ilang Halimbawa ng Regulasyon O Batas
1.Saligang Batas o konstitusyon ay isang pangkat ng mga prinsipyong saligan o pundamental o nailunsad at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan o inaalinsunuran kung paano pinamamahalaan  ang isang estado iba pang organisasyon.
2.Batas ng Republika, Batas na inakda ng kongreso
3.Ordinansa,ipinapatupad sa mga probinsya,suyidadat munisipyo.
4.Polisya,ipinapatupad sa isang organisasyon,ahensiya o kompaniya.
5.Patakaran at Regulasyon,ipinapatupad na kautusan o alintuntunin sa paaralan,kompanya,pribadong organisasyon, at iba pang samahan.

ARALIN 3: INTERAKSIYONAL

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

Sa aklat na Explorations of Function of Language ni M.A.K. Halliday (1973) binigyang diin na ang pagkategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.Isa rito ang interaksiyonal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa atkng pamilya,kaibigan o kakilala.

MGA INTERAKSIYON SA CYBERSPACE

Mga halimbawa ng interaksiyon sa Internet

Dalawahan
1.Email
2.Persoanl na mensahe o instant message

Grupo
1.Group Chat
2.Forum

Maramihan
1.Sociosite

2.Online Store

ARALIN 4: PERSONAL

PERSONAL BILANG PAGKATAO

Ang personal ay mula sa salitang personalidad.Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siyay nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.

Ayon sa mga sikolohistang sina Katherine Briggs at Isabel Myers (1950) batay sa personality theory ni Carl Jung (1920),mayroong apat na dimensiyon ang atting personalidad:

1.Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion)-inilalarawan kung paano nagkaroon ng enerhiya
2.Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition)- inilalarawan kung paano kumukuha ng impormasyon ang mga tao.
3.Pag iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling)-inilalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon
4.Paghuhusga laban sa pag unawa( Jugding vs. Perceiving)-inilalarawan ang bilis ng pagbuo ng desisyon ng isang tao.

PERSONAL BILANG PAGPAPAHAYAG SA SARILI

Ayon sa pag aaral ni Halliday (1973)  tungkol sa gamit ng wika,isa sa mga kategorya ay ang personal.Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin.

MALIKHAING SANAYSAY

Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ito ay nagmula sa dalawang salita— sanay at pagsasalaysay.Ang sanaysay ay naglalahad ng opinyon,kaisipan,reaksiyon at saloobin ng manunulat.

Ang malikhaing sanaysay ay naglalaman ng sariling pananaw ng may akda at nasa puntodebista ng manunulat.

Halimbawa:

Biograpiya
Awtobiograpiya
Alaala
Sanaysay o tala ng paglalakbay
Personal na sanaysay
Blog

Bahagi ng Sanaysay

1.Panimula
2.Katawan
3.Wakas

ARALIN 5: IMAHINATIBO

Ang wika bilang daluyan ng imahinasyon

Ayon kay Halliday (1973), ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha,pagtuklas,at pag aliw.

Gamit ng wika sa imahinationg panitikan

Inilalarawan ng imahinatibong panitinab ang ibat ibang anyo ng panitikan kabilang ang

1.Pantasya
2.Mito
3.Alamat
4.Kuwentong Bayan
5.Siyensiyang piksyon


Ang Siyensiyang Piksiyon sa wikang Filipino

Ang siyensiyang piksiyob ay ang panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago,maaring itoy sa pananagitan ng siyentipikong pagtuklas,pagbabago sa teknolohiya, o natural na pangyayari,maging pagbabago sa teknolohiya, o natural na pangyayari,maging pagbabago sa lipunan.

ARALIN 6: HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO

Heuristiko at Representatibong Tungkulin ng Wika

Heuristiko ang bisa ng wika sa ganitong sitwasyon. Pag iimbestiga.Pag eeksperimento kung tama o mali.

Representatibo naman ang bisa ng wika kung nais nating ipaliwanag ang datos,impormasyln at kaalamang ating natutuhan o natuklasan at nais nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino.

Ang Apat na Yugto Tungo sa Maugnaying Pag iisip

A.Paggamit ng Sintido Kumon

B.Lohikal na Pag iisip
1.Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento
2.Lohika ayon sa pagkakasunod sunod
3.Lohika ayon sa analisis
-Hinuhang pangkalahatan
-Hinuhang pambatayan

C.Kritikal na Pag iisip
1.Masusing pagtuloy sa kaligiran ng suliranin
2.Pagsusuri,pag uuri at pagpuna
3.Paglalatag ng alternatibo

D.Maugnaying Pag iisip


Pag Uulat Biswal: Ang Powerpoint Presentation

Ang powerpoint presentation ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon.Maaring pagsamahin dito ang teksto,disenyo,grap,tsart,animation,tunog o video na sumasaklaw sa kabuuan at mga bahagi ng impormasyon o kaalamang nais ilahad at ipahayqg sa kausap o sa publiko.

Mga Pananda para sa Kohesyong Gramatikal

Ang anapora ay panghalip na ginagamit sa pangungusap o talara upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangngalan o paksa.

Ang katapora ay panghalip na unang ginaganit sa pangungusao o talata bago banggitin ang pangngalan o paksang tinutukoy

Mga Komento